9At doon sa mga bansang pinagdalhan sa kanila bilang mga bihag, doon nila ako maaalala at maiisip na nila kung paano ako nagdamdam nang magtaksil sila sa akin at higit nilang pinahalagahan ang mga diyos-diyosan. Masusuklam sila sa sarili nila dahil sa masama at kasuklam-suklam nilang ginawa.
10At malalaman nilang ako ang Panginoon, at totoo ang babala na ipinasabi ko na gagawin ko sa kanila.
11“ ‘Pagkatapos, sinabi sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Pumalakpak ka at pumadyak at sabihin mong mabuti nga sa mga mamamayan ng Israel, dahil sa lahat ng masasama at kasuklam-suklam nilang ginawa. Ito ang dahilan kung bakit mamamatay sila sa digmaan, gutom at sakit.
12Ang mga nasa malayo ay mamamatay sa sakit. Ang nasa malapit ay mamamatay sa digmaan. At ang natitira ay mamamatay sa gutom. Sa ganitong paraan, madadama nila ang galit ko sa kanila.
13At malalaman nilang ako ang Panginoon kapag ang bangkay ng mga kababayan nila ay kumalat kasama ng kanilang mga diyos-diyosan sa palibot ng kanilang mga altar, burol, tuktok ng bundok, malalaking punongkahoy at mayayabong na punong ensina sa lugar na pinaghahandugan nila ng mabangong samyo para sa lahat ng kanilang diyos-diyosan.