Ezekiel 6

At doon sa mga bansang pinagdalhan sa kanila bilang mga bihag, doon nila ako maaalala at maiisip na nila kung paano ako nagdamdam nang magtaksil sila sa akin at higit nilang pinahalagahan ang mga diyos-diyosan. Masusuklam sila sa sarili nila dahil sa masama at kasuklam-suklam nilang ginawa.

Ezekiel 6:9 (UKJV) And they that escape of you shall remember me among the nations where they shall be carried captives, because I am broken with their whorish heart, which has departed from me, and with their eyes, which go a whoring after their idols: and they shall loathe themselves for the evils which they have committed in all their abominations.

7Mamamatay ang inyong mga mamamayan at malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

8“ ‘Ngunit may ititira ako sa inyo mula sa digmaan. Makakatakas ang iba at makakalat sa ibang bansa.

9At doon sa mga bansang pinagdalhan sa kanila bilang mga bihag, doon nila ako maaalala at maiisip na nila kung paano ako nagdamdam nang magtaksil sila sa akin at higit nilang pinahalagahan ang mga diyos-diyosan. Masusuklam sila sa sarili nila dahil sa masama at kasuklam-suklam nilang ginawa.

10At malalaman nilang ako ang Panginoon, at totoo ang babala na ipinasabi ko na gagawin ko sa kanila.

11“ ‘Pagkatapos, sinabi sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Pumalakpak ka at pumadyak at sabihin mong mabuti nga sa mga mamamayan ng Israel, dahil sa lahat ng masasama at kasuklam-suklam nilang ginawa. Ito ang dahilan kung bakit mamamatay sila sa digmaan, gutom at sakit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.