11Ang kalupitan nilaʼy babalik sa kanila bilang parusa sa kanilang kasamaan nila. Walang matitira sa kanila, pati ang lahat ng kayamanan nila ay mawawala.
12Oo, malapit na ang araw ng pagpaparusa. Hindi na ikatutuwa ng mga mamimili ang natipid nila at hindi na rin malulungkot ang mga naluging nagbebenta, dahil mararanasan ng lahat ang aking galit.
13Kung may mga nagbebenta mang makakabawi, hindi na sila makakabalik sa pagtitinda sapagkat ang mga sinabi ko tungkol sa buong bansa ng Israel ay hindi na mababago. Hindi maililigtas ng bawat gumagawa ng kasamaan ang kanyang buhay.
14“ ‘Kahit na hipan pa nila ang trumpeta upang ihanda ang lahat sa pakikipaglaban, wala ring pupunta sa digmaan, dahil mararanasan ng lahat ang galit ko.
15Ang sinumang lalabas ng lungsod ay mamamatay sa digmaan. Ang mananatili naman sa loob ng lungsod ay mamamatay sa sakit at gutom.