25Darating sa kanila ang takot at hahanapin nila kapayapaan ngunit hindi nila ito matatagpuan.
26Darating sa kanila ang sunod-sunod na panganib at masasamang balita. Magtatanong sila sa mga propeta, pero wala silang matatanggap na kasagutan. Magpapaturo sila sa mga pari at hihingi ng payo sa mga tagapamahala, pero hindi sila tuturuan at papayuhan.
27Magdadalamhati ang hari at mawawalan ng pag-asa ang kanyang mga tagapamahala. Ang mga taoʼy manginginig sa takot. Parurusahan ko sila ayon sa kanilang pamumuhay. Hahatulan ko sila kung paano nila hinatulan ang iba. At malalaman nila na ako ang Panginoon.’ ”