1Nang ikalimang araw ng ikaanim na buwan, nang ikaanim na taon ng aming pagkabihag, pinuspos ako ng kapangyarihan ng Makapangyarihang Panginoon. Nakaupo ako noon sa bahay ko at nakikipag-usap sa mga tagapamahala ng Juda.
2May nakita akong parang isang tao. Mula baywang pababa, para siyang apoy at mula naman baywang pataas ay para siyang makintab na metal.
3Iniunat niya ang kanyang parang kamay at hinawakan ako sa buhok. Pagkatapos, sa pamamagitan ng isang pangitain mula sa Diyos, itinaas ako ng Espiritu sa kalawakan at dinala sa Jerusalem, sa bandang hilaga ng pintuan ng bakuran sa loob ng Templo, sa kinalalagyan ng diyos-diyosan na naging sanhi ng paninibugho ng Diyos.