7Kayong mga nakatira sa lupain ng Israel, dumating na sa inyo ang kapahamakan. Malapit na ang oras na magkakagulo kayo. Tapos na ang maliligayang araw ninyo sa mga kabundukan.
8Hindi magtatagal at ipaparamdam ko na sa inyo ang matindi kong galit. Hahatulan ko kayo ayon sa inyong pamumuhay, at pagbabayarin ko kayo sa inyong mga kasuklam-suklam na ginawa.
9Hindi ko kayo kahahabagan; hindi ko kayo pagbibigyan. Pagbabayarin ko kayo ayon sa inyong pamumuhay at sa mga kasuklam-suklam na ginawa ninyo. At ditoʼy malalaman ninyong ako, ang Panginoon, ang nagparusa sa inyo.
10“ ‘Malapit na ang araw ng pagpaparusa. Darating na ang kapahamakan. Sukdulan na ang kasamaan at kayabangan ng mga tao.
11Ang kalupitan nilaʼy babalik sa kanila bilang parusa sa kanilang kasamaan nila. Walang matitira sa kanila, pati ang lahat ng kayamanan nila ay mawawala.