Ezra 1

Kayong lahat na mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo.

Ezra 1:3 (UKJV) Who is there among you of all his people? his God be with him, and let him go up to Jerusalem, which is in Judah, and build the house of the LORD God of Israel, (he is the God,) which is in Jerusalem.

1Noong unang taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, tinupad ng Panginoon ang kanyang sinabi sa pamamagitan ni Jeremias. Hinipo niya ang puso ni Ciro upang gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa buo niyang kaharian.

2“Ito ang mensahe ni Haring Ciro ng Persia: “Ibinigay sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng langit, ang lahat ng kaharian dito sa mundo, at ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapatayo ng templo para sa kanya roon sa Jerusalem na sakop ng Juda.

3Kayong lahat na mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo.

4Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa Templo ng Diyos sa Jerusalem.”

5May mga Israelitang hinipo ng Panginoon upang bumalik sa Jerusalem. Kaya naghanda silang pumunta roon upang ipatayo ang bahay ng Panginoon. Kasama sa kanila ang mga pinuno ng mga pamilyang mula sa mga lahi ni Juda at ni Benjamin, pati ang mga pari, at ang mga Levita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.