3Kayong lahat na mamamayan ng Diyos, bumalik na kayo sa Jerusalem at muli ninyong ipatayo roon ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na nakatira sa lungsod na iyon. At samahan niya sana kayo.
4Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa Templo ng Diyos sa Jerusalem.”
5May mga Israelitang hinipo ng Panginoon upang bumalik sa Jerusalem. Kaya naghanda silang pumunta roon upang ipatayo ang bahay ng Panginoon. Kasama sa kanila ang mga pinuno ng mga pamilyang mula sa mga lahi ni Juda at ni Benjamin, pati ang mga pari, at ang mga Levita.
6Ang ibang mga tao ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit na gawa sa pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, iba pang mga mamahaling bagay, at handog na kusang-loob para sa Templo.
7Ibinalik din sa kanila ni Haring Ciro ang mga gamit sa Templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar sa Jerusalem at inilagay sa templo ng mga diyos-diyosan niya.