5May mga Israelitang hinipo ng Panginoon upang bumalik sa Jerusalem. Kaya naghanda silang pumunta roon upang ipatayo ang bahay ng Panginoon. Kasama sa kanila ang mga pinuno ng mga pamilyang mula sa mga lahi ni Juda at ni Benjamin, pati ang mga pari, at ang mga Levita.
6Ang ibang mga tao ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit na gawa sa pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, iba pang mga mamahaling bagay, at handog na kusang-loob para sa Templo.
7Ibinalik din sa kanila ni Haring Ciro ang mga gamit sa Templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar sa Jerusalem at inilagay sa templo ng mga diyos-diyosan niya.
8Ipinagkatiwala ito ni Haring Ciro kay Mitredat na ingat-yaman ng kaharian niya. Binilang ito ni Mitredat at ibinigay ang listahan kay Sesbazar, ang gobernador ng Juda.
9Ito ang bilang ng mga gamit: gintong bandehado 30 pilak na bandehado 1,000 pilak na kagamitan 29