Ezra 10

Tinupad ng mga bumalik sa pagkabihag ang planong iyon. Kaya pumili si Ezra, na pari, ng mga lalaking pinuno ng mga pamilya, at inilista ang pangalan nila. At sa unang araw ng ikasampung buwan, naupo sila at sinimulan nila ang pagsisiyasat ng mga kaso.

Ezra 10:16 (UKJV) And the children of the captivity did so. And Ezra the priest, with certain chief of the fathers, after the house of their fathers, and all of them by their names, were separated, and sat down in the first day of the tenth month to examine the matter.

14Ang mga opisyal na lang natin ang magpaiwan dito at mag-asikaso nito para sa buong mamamayan. Papuntahin na lang dito sa takdang oras ang mga nagsipag-asawa ng dayuhan kasama ang mga tagapamahala at mga hukom ng bayan nila. Gawin natin ito upang mapawi ang matinding galit ng Diyos sa atin dahil sa bagay na ginawa natin.”

15Walang sumuway sa planong ito maliban kina Jonatan na anak ni Asahel at Jazeias na anak ni Tikva. Sinuportahan din sila nina Mesulam at Sabetai na Levita.

16Tinupad ng mga bumalik sa pagkabihag ang planong iyon. Kaya pumili si Ezra, na pari, ng mga lalaking pinuno ng mga pamilya, at inilista ang pangalan nila. At sa unang araw ng ikasampung buwan, naupo sila at sinimulan nila ang pagsisiyasat ng mga kaso.

17At sa unang araw ng unang buwan, natapos nila ang pagsisiyasat sa lahat ng mga kalalakihang nag-asawa ng mga dayuhang babae.

18Mula sa angkan ng mga pari, ito ang mga lalaking nagsipag-asawa ng mga dayuhan: Mula sa angkan ni Josue na anak ni Josadac at ang mga kapatid niya: sina Maaseias, Eliezer, Jarib, at Gedalias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.