Ezra 10

Mula sa angkan ng mga pari, ito ang mga lalaking nagsipag-asawa ng mga dayuhan: Mula sa angkan ni Josue na anak ni Josadac at ang mga kapatid niya: sina Maaseias, Eliezer, Jarib, at Gedalias.

Ezra 10:18 (UKJV) And among the sons of the priests there were found that had taken strange wives: namely, of the sons of Jeshua the son of Jozadak, and his brethren; Maaseiah, and Eliezer, and Jarib, and Gedaliah.

16Tinupad ng mga bumalik sa pagkabihag ang planong iyon. Kaya pumili si Ezra, na pari, ng mga lalaking pinuno ng mga pamilya, at inilista ang pangalan nila. At sa unang araw ng ikasampung buwan, naupo sila at sinimulan nila ang pagsisiyasat ng mga kaso.

17At sa unang araw ng unang buwan, natapos nila ang pagsisiyasat sa lahat ng mga kalalakihang nag-asawa ng mga dayuhang babae.

18Mula sa angkan ng mga pari, ito ang mga lalaking nagsipag-asawa ng mga dayuhan: Mula sa angkan ni Josue na anak ni Josadac at ang mga kapatid niya: sina Maaseias, Eliezer, Jarib, at Gedalias.

19(Nangako silang lahat na hihiwalayan nila ang kanilang mga asawa, at naghandog sila ng mga lalaking tupa bilang pambayad sa kanilang mga kasalanan.)

20Mula sa angkan ni Imer: sina Hanani at Zebadias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.