17At sa unang araw ng unang buwan, natapos nila ang pagsisiyasat sa lahat ng mga kalalakihang nag-asawa ng mga dayuhang babae.
18Mula sa angkan ng mga pari, ito ang mga lalaking nagsipag-asawa ng mga dayuhan: Mula sa angkan ni Josue na anak ni Josadac at ang mga kapatid niya: sina Maaseias, Eliezer, Jarib, at Gedalias.
19(Nangako silang lahat na hihiwalayan nila ang kanilang mga asawa, at naghandog sila ng mga lalaking tupa bilang pambayad sa kanilang mga kasalanan.)
20Mula sa angkan ni Imer: sina Hanani at Zebadias.
21Mula sa angkan ni Harim: sina Maaseias, Elias, Semaias, Jehiel, at Uzias.