Ezra 3

Ngunit marami sa mga matatandang pari at Levita at mga pinuno ng pamilya na nakakita noon sa unang Templo ay umiyak nang malakas nang makita nila ang pundasyon ng bagong Templo, habang marami naman ang sumigaw sa galak.

Ezra 3:12 (UKJV) But many of the priests and Levites and chief of the fathers, who were ancient men, that had seen the first house, when the foundation of this house was laid before their eyes, wept with a loud voice; and many shouted aloud for joy:

10Nang matapos na ng mga karpintero ang pundasyon ng Templo ng Panginoon, pumuwesto na ang mga pari na nakasuot ng kanilang damit na pangpari upang hipan ang mga trumpeta. Pumwesto rin ang mga Levita, na angkan ni Asaf, sa pagtugtog ng mga pompyang upang purihin ang Panginoon ayon sa kaparaanan na itinuro noon ni Haring David sa Israel.

11Nagpuri sila at nagpasalamat habang umaawit sa Panginoon: “Napakabuti ng Panginoon, dahil ang pag-ibig niya sa Israel ay walang hanggan.” At sumigaw nang malakas ang lahat ng tao sa pagpupuri sa Panginoon dahil nailagay na ang pundasyon ng bahay ng Panginoon.

12Ngunit marami sa mga matatandang pari at Levita at mga pinuno ng pamilya na nakakita noon sa unang Templo ay umiyak nang malakas nang makita nila ang pundasyon ng bagong Templo, habang marami naman ang sumigaw sa galak.

13Hindi na malaman ang sigaw ng kagalakan at ang tinig ng pag-iyak dahil napakaingay ng mga tao, at naririnig ito sa malayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.