Ezra 3

Nang matapos na ng mga karpintero ang pundasyon ng Templo ng Panginoon, pumuwesto na ang mga pari na nakasuot ng kanilang damit na pangpari upang hipan ang mga trumpeta. Pumwesto rin ang mga Levita, na angkan ni Asaf, sa pagtugtog ng mga pompyang upang purihin ang Panginoon ayon sa kaparaanan na itinuro noon ni Haring David sa Israel.

Ezra 3:10 (UKJV) And when the builders laid the foundation of the temple of the LORD, they set the priests in their apparel with trumpets, and the Levites the sons of Asaph with cymbals, to praise the LORD, after the ordinance of David king of Israel.

8Sinimulan ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos nang ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem. Tulong-tulong sa pagtatrabaho ang lahat ng nakabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag, kasama na rito sina Zerubabel na anak ni Selatiel, Jeshua na anak ni Josadac at ang mga kasamahan niyang pari, at ang mga Levita. Ang pinagkatiwalaan sa pamamahala sa pagpapatayo ng bahay ng Panginoon ay ang mga Levita na nasa edad dalawampung taon pataas.

9Silaʼy si Jeshua, ang mga anak niya at mga kamag-anak, si Kadmiel at ang mga anak niya. Silang lahat ay mula sa lahi ni Hodavias. Tumulong din sa kanila ang mga angkan at mga kamag-anak ni Henadad na mga Levita rin.

10Nang matapos na ng mga karpintero ang pundasyon ng Templo ng Panginoon, pumuwesto na ang mga pari na nakasuot ng kanilang damit na pangpari upang hipan ang mga trumpeta. Pumwesto rin ang mga Levita, na angkan ni Asaf, sa pagtugtog ng mga pompyang upang purihin ang Panginoon ayon sa kaparaanan na itinuro noon ni Haring David sa Israel.

11Nagpuri sila at nagpasalamat habang umaawit sa Panginoon: “Napakabuti ng Panginoon, dahil ang pag-ibig niya sa Israel ay walang hanggan.” At sumigaw nang malakas ang lahat ng tao sa pagpupuri sa Panginoon dahil nailagay na ang pundasyon ng bahay ng Panginoon.

12Ngunit marami sa mga matatandang pari at Levita at mga pinuno ng pamilya na nakakita noon sa unang Templo ay umiyak nang malakas nang makita nila ang pundasyon ng bagong Templo, habang marami naman ang sumigaw sa galak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.