Ezra 3

Silaʼy si Jeshua, ang mga anak niya at mga kamag-anak, si Kadmiel at ang mga anak niya. Silang lahat ay mula sa lahi ni Hodavias. Tumulong din sa kanila ang mga angkan at mga kamag-anak ni Henadad na mga Levita rin.

Ezra 3:9 (UKJV) Then stood Jeshua with his sons and his brethren, Kadmiel and his sons, the sons of Judah, together, to set forward the workmen in the house of God: the sons of Henadad, with their sons and their brethren the Levites.

7Nagbigay ang mga Israelita ng perang pambayad sa mga tagatabas ng bato at sa mga karpintero. Nagbigay din sila ng mga pagkain, inumin, at langis na pambayad sa mga taga-Sidon at taga-Tiro para sa mga kahoy na sedro na galing sa Lebanon. Ang mga kahoy na ito ay isasakay sa mga barko at dadalhin sa Joppa. Pinahintulutan ito ni Haring Ciro ng Persia.

8Sinimulan ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos nang ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem. Tulong-tulong sa pagtatrabaho ang lahat ng nakabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag, kasama na rito sina Zerubabel na anak ni Selatiel, Jeshua na anak ni Josadac at ang mga kasamahan niyang pari, at ang mga Levita. Ang pinagkatiwalaan sa pamamahala sa pagpapatayo ng bahay ng Panginoon ay ang mga Levita na nasa edad dalawampung taon pataas.

9Silaʼy si Jeshua, ang mga anak niya at mga kamag-anak, si Kadmiel at ang mga anak niya. Silang lahat ay mula sa lahi ni Hodavias. Tumulong din sa kanila ang mga angkan at mga kamag-anak ni Henadad na mga Levita rin.

10Nang matapos na ng mga karpintero ang pundasyon ng Templo ng Panginoon, pumuwesto na ang mga pari na nakasuot ng kanilang damit na pangpari upang hipan ang mga trumpeta. Pumwesto rin ang mga Levita, na angkan ni Asaf, sa pagtugtog ng mga pompyang upang purihin ang Panginoon ayon sa kaparaanan na itinuro noon ni Haring David sa Israel.

11Nagpuri sila at nagpasalamat habang umaawit sa Panginoon: “Napakabuti ng Panginoon, dahil ang pag-ibig niya sa Israel ay walang hanggan.” At sumigaw nang malakas ang lahat ng tao sa pagpupuri sa Panginoon dahil nailagay na ang pundasyon ng bahay ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.