Ezra 3

Sinimulan ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos nang ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem. Tulong-tulong sa pagtatrabaho ang lahat ng nakabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag, kasama na rito sina Zerubabel na anak ni Selatiel, Jeshua na anak ni Josadac at ang mga kasamahan niyang pari, at ang mga Levita. Ang pinagkatiwalaan sa pamamahala sa pagpapatayo ng bahay ng Panginoon ay ang mga Levita na nasa edad dalawampung taon pataas.

Ezra 3:8 (UKJV) Now in the second year of their coming unto the house of God at Jerusalem, in the second month, began Zerubbabel the son of Shealtiel, and Jeshua the son of Jozadak, and the remnant of their brethren the priests and the Levites, and all they that were come out of the captivity unto Jerusalem; and appointed the Levites, from twenty years old and upward, to set forward the work of the house of the LORD.

6Kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng Templo ng Panginoon, nagsimula na ang mga Israelita sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa unang araw ng ikapitong buwan.

7Nagbigay ang mga Israelita ng perang pambayad sa mga tagatabas ng bato at sa mga karpintero. Nagbigay din sila ng mga pagkain, inumin, at langis na pambayad sa mga taga-Sidon at taga-Tiro para sa mga kahoy na sedro na galing sa Lebanon. Ang mga kahoy na ito ay isasakay sa mga barko at dadalhin sa Joppa. Pinahintulutan ito ni Haring Ciro ng Persia.

8Sinimulan ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos nang ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem. Tulong-tulong sa pagtatrabaho ang lahat ng nakabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag, kasama na rito sina Zerubabel na anak ni Selatiel, Jeshua na anak ni Josadac at ang mga kasamahan niyang pari, at ang mga Levita. Ang pinagkatiwalaan sa pamamahala sa pagpapatayo ng bahay ng Panginoon ay ang mga Levita na nasa edad dalawampung taon pataas.

9Silaʼy si Jeshua, ang mga anak niya at mga kamag-anak, si Kadmiel at ang mga anak niya. Silang lahat ay mula sa lahi ni Hodavias. Tumulong din sa kanila ang mga angkan at mga kamag-anak ni Henadad na mga Levita rin.

10Nang matapos na ng mga karpintero ang pundasyon ng Templo ng Panginoon, pumuwesto na ang mga pari na nakasuot ng kanilang damit na pangpari upang hipan ang mga trumpeta. Pumwesto rin ang mga Levita, na angkan ni Asaf, sa pagtugtog ng mga pompyang upang purihin ang Panginoon ayon sa kaparaanan na itinuro noon ni Haring David sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.