Ezra 3

Nagbigay ang mga Israelita ng perang pambayad sa mga tagatabas ng bato at sa mga karpintero. Nagbigay din sila ng mga pagkain, inumin, at langis na pambayad sa mga taga-Sidon at taga-Tiro para sa mga kahoy na sedro na galing sa Lebanon. Ang mga kahoy na ito ay isasakay sa mga barko at dadalhin sa Joppa. Pinahintulutan ito ni Haring Ciro ng Persia.

Ezra 3:7 (UKJV) They gave money also unto the stone workers, and to the carpenters; and food, and drink, and oil, unto them of Zidon, and to them of Tyre, to bring cedar trees from Lebanon to the sea of Joppa, according to the grant that they had of Cyrus king of Persia.

5Bukod pa sa mga handog na sinusunog, naghahandog din sila ng mga handog sa bawat Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista sa pagsamba sa Panginoon. At nag-aalay din sila ng handog na kusang-loob para sa Panginoon.

6Kahit hindi pa nasisimulan ang muling pagpapatayo ng Templo ng Panginoon, nagsimula na ang mga Israelita sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa unang araw ng ikapitong buwan.

7Nagbigay ang mga Israelita ng perang pambayad sa mga tagatabas ng bato at sa mga karpintero. Nagbigay din sila ng mga pagkain, inumin, at langis na pambayad sa mga taga-Sidon at taga-Tiro para sa mga kahoy na sedro na galing sa Lebanon. Ang mga kahoy na ito ay isasakay sa mga barko at dadalhin sa Joppa. Pinahintulutan ito ni Haring Ciro ng Persia.

8Sinimulan ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos nang ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem. Tulong-tulong sa pagtatrabaho ang lahat ng nakabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag, kasama na rito sina Zerubabel na anak ni Selatiel, Jeshua na anak ni Josadac at ang mga kasamahan niyang pari, at ang mga Levita. Ang pinagkatiwalaan sa pamamahala sa pagpapatayo ng bahay ng Panginoon ay ang mga Levita na nasa edad dalawampung taon pataas.

9Silaʼy si Jeshua, ang mga anak niya at mga kamag-anak, si Kadmiel at ang mga anak niya. Silang lahat ay mula sa lahi ni Hodavias. Tumulong din sa kanila ang mga angkan at mga kamag-anak ni Henadad na mga Levita rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.