Ezra 4

Nabalitaan ng mga kaaway ng mga taga-Juda at taga-Benjamin na muling ipinapatayo ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Ezra 4:1 (UKJV) Now when the adversaries of Judah and Benjamin heard that the children of the captivity built the temple unto the LORD God of Israel;

1Nabalitaan ng mga kaaway ng mga taga-Juda at taga-Benjamin na muling ipinapatayo ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

2Kaya pumunta sila kay Zerubabel at sa mga pinuno ng mga pamilya, at nagsabi, “Tutulungan namin kayo sa pagpapatayo ng Templo dahil sinasamba rin namin ang Diyos nʼyo kagaya ng ginagawa ninyo. Matagal na kaming naghahandog sa kanya, mula pa noong panahon ni Haring Esarhadon ng Asiria na siyang nagdala sa amin dito.”

3Ngunit ito ang sagot nina Zerubabel, Jeshua, at ng mga pinuno ng mga pamilya: “Inutusan kami ni Haring Ciro ng Persia na muling ipatayo ang Templo. Ngunit hindi kayo kasama sa pagpapatayo nito para sa aming Diyos. Kami lang ang magpapatayo nito para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.