1Nabalitaan ng mga kaaway ng mga taga-Juda at taga-Benjamin na muling ipinapatayo ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.
2Kaya pumunta sila kay Zerubabel at sa mga pinuno ng mga pamilya, at nagsabi, “Tutulungan namin kayo sa pagpapatayo ng Templo dahil sinasamba rin namin ang Diyos nʼyo kagaya ng ginagawa ninyo. Matagal na kaming naghahandog sa kanya, mula pa noong panahon ni Haring Esarhadon ng Asiria na siyang nagdala sa amin dito.”
3Ngunit ito ang sagot nina Zerubabel, Jeshua, at ng mga pinuno ng mga pamilya: “Inutusan kami ni Haring Ciro ng Persia na muling ipatayo ang Templo. Ngunit hindi kayo kasama sa pagpapatayo nito para sa aming Diyos. Kami lang ang magpapatayo nito para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.”
4Kaya pinahina ang loob at tinakot ng mga taong dati nang nakatira sa lupaing iyon ang mga tao sa Juda upang hindi nila maipagpatuloy ang kanilang trabaho.