13“Ngunit sa unang taon ng paghahari ni Haring Ciro sa Babilonia, nag-utos siya na muling ipatayo ang bahay ng Diyos.
14Ibinalik din niya ang mga kagamitang ginto at pilak ng Templo ng Diyos. Ang mga ito ay kinuha noon ni Nebucadnezar sa Templo ng Jerusalem at inilagay sa templo sa Babilonia. Ipinagkatiwala ni Haring Ciro ang mga kagamitang ito kay Sesbazar na pinili niyang gobernador ng Juda.
15Sinabi ng hari kay Sesbazar na muling ipatayo ang Templo ng Diyos sa Jerusalem sa dati nitong pinagtayuan, at ilagay doon ang mga kagamitan nito.
16“Kaya pumunta si Sesbazar sa Jerusalem at itinayo niya ang mga pundasyon ng Templo ng Diyos. Hanggang ngayon ay ginagawa pa ang Templo; hindi pa ito tapos.
17“Ngayon, kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Hari, ipasaliksik po ninyo ang mga kasulatan na ipinatago ng mga hari ng Babilonia kung totoo nga bang nag-utos si Haring Ciro na muling ipatayo ang Templo ng Diyos sa Jerusalem. At agad ninyo pong ipaalam sa amin kung ano ang inyong pasya tungkol dito.”