Ezra 5

“Kaya pumunta si Sesbazar sa Jerusalem at itinayo niya ang mga pundasyon ng Templo ng Diyos. Hanggang ngayon ay ginagawa pa ang Templo; hindi pa ito tapos.

Ezra 5:16 (UKJV) Then came the same Sheshbazzar, and laid the foundation of the house of God which is in Jerusalem: and since that time even until now has it been in building, and yet it is not finished.

14Ibinalik din niya ang mga kagamitang ginto at pilak ng Templo ng Diyos. Ang mga ito ay kinuha noon ni Nebucadnezar sa Templo ng Jerusalem at inilagay sa templo sa Babilonia. Ipinagkatiwala ni Haring Ciro ang mga kagamitang ito kay Sesbazar na pinili niyang gobernador ng Juda.

15Sinabi ng hari kay Sesbazar na muling ipatayo ang Templo ng Diyos sa Jerusalem sa dati nitong pinagtayuan, at ilagay doon ang mga kagamitan nito.

16“Kaya pumunta si Sesbazar sa Jerusalem at itinayo niya ang mga pundasyon ng Templo ng Diyos. Hanggang ngayon ay ginagawa pa ang Templo; hindi pa ito tapos.

17“Ngayon, kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Hari, ipasaliksik po ninyo ang mga kasulatan na ipinatago ng mga hari ng Babilonia kung totoo nga bang nag-utos si Haring Ciro na muling ipatayo ang Templo ng Diyos sa Jerusalem. At agad ninyo pong ipaalam sa amin kung ano ang inyong pasya tungkol dito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.