Ezra 5

Bilang pagtugon, sinimulan nina Zerubabel na anak ni Selatiel at Josue na anak ni Josadac ang muling pagtatayo ng Templo ng Diyos sa Jerusalem. Kasama nila ang mga propeta ng Diyos na tumulong rin sa kanila.

Ezra 5:2 (UKJV) Then rose up Zerubbabel the son of Shealtiel, and Jeshua the son of Jozadak, and began to build the house of God which is at Jerusalem: and with them were the prophets of God helping them.

1Ngayon, inutusan ng Diyos ng Israel ang mga propeta na sina Hagai at Zacarias na apo ni Ido para sabihin ang mensahe niya sa mga Hudyo sa Jerusalem at sa buong Juda.

2Bilang pagtugon, sinimulan nina Zerubabel na anak ni Selatiel at Josue na anak ni Josadac ang muling pagtatayo ng Templo ng Diyos sa Jerusalem. Kasama nila ang mga propeta ng Diyos na tumulong rin sa kanila.

3Ngunit hindi nagtagal, dumating sa Jerusalem si Tatenai na gobernador ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates, si Setar-bozenai, at ang mga kasama nila. Nagtanong sila sa mga Hudyo, “Sino ang nag-utos sa inyo na ipagpatuloy ang pagpapatayo ng Templong ito?”

4Nagtanong pa sila, “Ano-ano ang mga pangalan ng mga taong gumagawa ng gusaling ito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.