Ezra 6

Kaya nag-utos si Haring Dario na saliksikin ang mga kasulatang nakatago sa lalagyan ng mga kayamanan doon sa Babilonia.

Ezra 6:1 (UKJV) Then Darius the king made a decree, and search was made in the house of the rolls, where the treasures were laid up in Babylon.

1Kaya nag-utos si Haring Dario na saliksikin ang mga kasulatang nakatago sa lalagyan ng mga kayamanan doon sa Babilonia.

2Ngunit sa matatag na lungsod ng Ecbatana, na sakop ng lalawigan ng Media, natagpuan ang isang nakarolyong kasulatan na may nakasulat na:

3“Ang kasulatang ito ay nagpapaalala na sa unang taon ng paghahari ni Ciro, nag-utos siya na muling ipatayo ang Templo ng Diyos sa Jerusalem. “Muling ipatayo ang Templo para maging lugar kung saan mag-aalay at magsusunog ng mga handog, at itatag ang mga pundasyon nito. Ang taas nitoʼy siyamnapung talampakan at ang luwang nitoʼy siyamnapung talampakan din.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.