12Nawaʼy ang Diyos na pumili sa Jerusalem bilang lugar kung saan siya sasambahin, ang siyang lumipol sa kahit sinong hari o kayaʼy bansa na hindi tutupad sa utos na ito at gigiba ng Templong ito sa Jerusalem. “Ako, si Dario, ang nag-utos nito. Dapat itong ipatupad nang lubusan.”
13Tinupad nila Tatenai na gobernador, Setar-bozenai, at ng mga kasama nila ang utos ni Haring Dario.
14Kaya patuloy na nagtrabaho ang mga tagapamahala ng mga Hudyo habang pinapalakas sila ng mga mensahe ng mga propeta na sina Hagai at Zacarias na anak ni Ido. Natapos nila ang Templo ayon sa utos ng Diyos ng Israel na ipinatupad nina Ciro, Dario, at Artaherhes, na mga hari ng Persia.
15Natapos ang Templo nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario.
16Masayang nagdiwang sa pagtatalaga ng bahay ng Diyos ang mamamayan ng Israel, ang mga pari, mga Levita, at ang iba pang bumalik galing sa pagkabihag.