Ezra 6

Natapos ang Templo nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario.

Ezra 6:15 (UKJV) And this house was finished on the third day of the month Adar, which was in the sixth year of the reign of Darius the king.

13Tinupad nila Tatenai na gobernador, Setar-bozenai, at ng mga kasama nila ang utos ni Haring Dario.

14Kaya patuloy na nagtrabaho ang mga tagapamahala ng mga Hudyo habang pinapalakas sila ng mga mensahe ng mga propeta na sina Hagai at Zacarias na anak ni Ido. Natapos nila ang Templo ayon sa utos ng Diyos ng Israel na ipinatupad nina Ciro, Dario, at Artaherhes, na mga hari ng Persia.

15Natapos ang Templo nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario.

16Masayang nagdiwang sa pagtatalaga ng bahay ng Diyos ang mamamayan ng Israel, ang mga pari, mga Levita, at ang iba pang bumalik galing sa pagkabihag.

17Sa pagtatalagang ito ng bahay ng Diyos, naghandog sila ng isangdaang toro, dalawandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang lalaking tupa. Naghandog din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan ng bawat lahi ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.