Ezra 6

Sa pagtatalagang ito ng bahay ng Diyos, naghandog sila ng isangdaang toro, dalawandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang lalaking tupa. Naghandog din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan ng bawat lahi ng Israel.

Ezra 6:17 (UKJV) And offered at the dedication of this house of God an hundred bullocks, two hundred rams, four hundred lambs; and for a sin offering for all Israel, twelve he goats, according to the number of the tribes of Israel.

15Natapos ang Templo nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario.

16Masayang nagdiwang sa pagtatalaga ng bahay ng Diyos ang mamamayan ng Israel, ang mga pari, mga Levita, at ang iba pang bumalik galing sa pagkabihag.

17Sa pagtatalagang ito ng bahay ng Diyos, naghandog sila ng isangdaang toro, dalawandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang lalaking tupa. Naghandog din sila ng labindalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan ng bawat lahi ng Israel.

18Itinalaga nila ang mga pari at mga Levita sa kani-kanilang tungkulin sa Templo ng Diyos sa Jerusalem ayon sa nakasulat sa Aklat ni Moises.

19Nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ipinagdiwang ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Pista ng Paglampas ng Anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.