5Ang mga kagamitang ginto at pilak sa bahay ng Diyos na dinala ni Haring Nebucadnezar sa Babilonia ay dapat ibalik sa lalagyan nito sa Templo ng Jerusalem.
6“Kaya nagpadala si Haring Dario ng mensahe kay Tatenai, na gobernador ng lalawigan sa kanluran ng Eufrates, kay Setar-bozenai, at sa mga kapwa nila opisyal sa lalawigang iyon.
7Lumayo kayo diyan sa Templo ng Diyos. Huwag na ninyong pakialaman ang pagpapatayo nito. Pabayaan ninyo na lang ang gobernador at ang iba pang mga tagapamahala ng mga Hudyo sa pagpapatayo nito sa dati nitong kinatatayuan.
8“Iniuutos ko rin na tulungan ninyo ang mga tagapamahala ng mga Hudyo sa kanilang pagpapatayo ng bahay ng Diyos: “Bayaran ninyo ang lahat ng gastusin sa pagpapagawa, nang walang antala, mula sa pondo ng kaharian na nanggagaling sa mga buwis ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates upang hindi maabala ang kanilang trabaho.
9Dapat ninyong bigyan araw-araw ang mga pari sa Jerusalem ng mga pangangailangan nila gaya ng batang toro, lalaking tupa, at batang lalaking tupa bilang handog na sinusunog para sa Diyos ng langit, pati na rin trigo, asin, alak, at langis. Dapat hindi kayo pumalya sa pagbibigay,