9Umalis si Ezra sa Babilonia sa unang araw ng unang buwan. At nakarating siya sa unang araw ng ikalimang buwan sa Jerusalem sapagkat ginabayan siya ng Diyos.
10Sapagkat itinalaga niya ang sarili niya sa pag-aaral at pagtupad ng Kautusan ng Panginoon, at sa pagtuturo ng mga tuntunin at mga utos nito sa mga Israelita.
11Ito ang nilalaman ng sulat na ibinigay ni Haring Artaherhes kay Ezra, na pari, at tagapagturo, na lubos na nakakaalam ng mga utos at mga tuntunin na ibinigay ng Panginoon sa mga taga-Israel:
12Ako si Haring Artaherhes, ang hari ng mga hari. Nangungumusta ako sa iyo, Ezra, na pari at tagapagturo ng Kautusan ng Diyos ng langit.
13“Iniuutos ko na kahit sino sa mga Israelita rito sa kaharian ko, pati mga pari at mga Levita, na gustong sumáma sa iyo sa pagbalik sa Jerusalem ay maaari mong isama.