Ezra 7

Ibigay ninyo rin ang lahat ng kinakailangan sa Templo ayon sa iniutos ng Diyos ng langit. Sapagkat kung hindi, baka sa aking kaharian at sa aking mga anak maibaling ang kanyang galit.

Ezra 7:23 (UKJV) Whatsoever is commanded by the God of heaven, let it be diligently done for the house of the God of heaven: for why should there be wrath against the realm of the king and his sons?

21“Ako, si Haring Artaherhes, ang nag-uutos sa lahat ng ingat-yaman ng lalawigan sa kanluran ng Eufrates na ibigay ninyo ang anumang hilingin sa inyo ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan ng Diyos ng langit.

22Bigyan ninyo siya hanggang 3,500 kilong pilak, 300 sakong trigo, 550 galong alak, 550 galong langis ng olibo, at kahit gaano kadaming asin na kinakailangan.

23Ibigay ninyo rin ang lahat ng kinakailangan sa Templo ayon sa iniutos ng Diyos ng langit. Sapagkat kung hindi, baka sa aking kaharian at sa aking mga anak maibaling ang kanyang galit.

24Ipinapaalam din namin sa inyo na huwag ninyong pagbayarin ng buwis at ng iba pang bayarin ang mga pari, mga Levita, mga musikero, mga tagapagbantay ng Templo, mga tagapaglingkod sa Templo, at iba pang nagtatrabaho sa Templo ng Diyos.

25“At ikaw, Ezra, ayon sa karunungang ibinigay sa iyo ng Diyos, pumili ka ng mga tagapamahala at mga hukom na nakakaalam ng Kautusan ng iyong Diyos at sila ang mangangasiwa sa lahat ng tao sa lalawigan sa kanluran ng Eufrates. At ang mga tao na hindi nakakaalam ng Kautusan ay turuan mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.