Ezra 8

Pinapunta ko sila kay Ido na pinuno ng lugar ng Casifia upang hilingin sa kanya at sa mga kamag-anak niyang tagapaglingkod sa Templo na magpadala sila ng mga tao na maglilingkod sa Templo ng Diyos.

Ezra 8:17 (UKJV) And I sent them with commandment unto Iddo the chief at the place Casiphia, and I told them what they should say unto Iddo, and to his brethren the Nethinims, at the place Casiphia, that they should bring unto us ministers for the house of our God.

15Tinipon ko sila doon sa ilog na dumadaloy papuntang Ahava. Nagkampo kami roon ng tatlong araw. Nang tingnan ko ang talaan ng mga tao na sasáma sa akin, pati na ang mga pari, nalaman kong walang mga Levita roon.

16Kaya ipinatawag ko ang mga pinuno ng grupo na sina Eliezer, Ariel, Semaias, Elnatan, Jarib, Elnatan, Natan, Zacarias, at Mesulam at ang dalawang matalinong tao na sina Joiarib at Elnatan.

17Pinapunta ko sila kay Ido na pinuno ng lugar ng Casifia upang hilingin sa kanya at sa mga kamag-anak niyang tagapaglingkod sa Templo na magpadala sila ng mga tao na maglilingkod sa Templo ng Diyos.

18Dahil tinulungan kami ng Diyos, ipinadala nila sa amin si Serebias, kasama ang kanyang mga anak na lalaki at mga kapatid niyang lalaki, na ang kabuuang bilang ay labingwalo. Si Serebias ay maabilidad na tao at mula siya sa pamilya ni Mahli na lahi ni Levi na anak ni Israel.

19Ipinadala rin nila si Hashabias at ang mga kapatid at mga pamangkin nitong lalaking dalawampu ang bilang, kasama si Jesaias na galing sa pamilya ni Merari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.