Ezra 8

Dahil tinulungan kami ng Diyos, ipinadala nila sa amin si Serebias, kasama ang kanyang mga anak na lalaki at mga kapatid niyang lalaki, na ang kabuuang bilang ay labingwalo. Si Serebias ay maabilidad na tao at mula siya sa pamilya ni Mahli na lahi ni Levi na anak ni Israel.

Ezra 8:18 (UKJV) And by the good hand of our God upon us they brought us a man of understanding, of the sons of Mahli, the son of Levi, the son of Israel; and Sherebiah, with his sons and his brethren, eighteen;

16Kaya ipinatawag ko ang mga pinuno ng grupo na sina Eliezer, Ariel, Semaias, Elnatan, Jarib, Elnatan, Natan, Zacarias, at Mesulam at ang dalawang matalinong tao na sina Joiarib at Elnatan.

17Pinapunta ko sila kay Ido na pinuno ng lugar ng Casifia upang hilingin sa kanya at sa mga kamag-anak niyang tagapaglingkod sa Templo na magpadala sila ng mga tao na maglilingkod sa Templo ng Diyos.

18Dahil tinulungan kami ng Diyos, ipinadala nila sa amin si Serebias, kasama ang kanyang mga anak na lalaki at mga kapatid niyang lalaki, na ang kabuuang bilang ay labingwalo. Si Serebias ay maabilidad na tao at mula siya sa pamilya ni Mahli na lahi ni Levi na anak ni Israel.

19Ipinadala rin nila si Hashabias at ang mga kapatid at mga pamangkin nitong lalaking dalawampu ang bilang, kasama si Jesaias na galing sa pamilya ni Merari.

20Ipinadala pa nila ang 220 tagapaglingkod sa Templo. Ang mga tagapaglingkod sa Templo ay pinili noon ni Haring David at ng mga opisyal niya upang tumulong sa mga Levita. Nakalista lahat ang mga pangalan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.