Ezra 8

Ipinadala pa nila ang 220 tagapaglingkod sa Templo. Ang mga tagapaglingkod sa Templo ay pinili noon ni Haring David at ng mga opisyal niya upang tumulong sa mga Levita. Nakalista lahat ang mga pangalan nila.

Ezra 8:20 (UKJV) Also of the Nethinims, whom David and the princes had appointed for the service of the Levites, two hundred and twenty Nethinims: all of them were expressed by name.

18Dahil tinulungan kami ng Diyos, ipinadala nila sa amin si Serebias, kasama ang kanyang mga anak na lalaki at mga kapatid niyang lalaki, na ang kabuuang bilang ay labingwalo. Si Serebias ay maabilidad na tao at mula siya sa pamilya ni Mahli na lahi ni Levi na anak ni Israel.

19Ipinadala rin nila si Hashabias at ang mga kapatid at mga pamangkin nitong lalaking dalawampu ang bilang, kasama si Jesaias na galing sa pamilya ni Merari.

20Ipinadala pa nila ang 220 tagapaglingkod sa Templo. Ang mga tagapaglingkod sa Templo ay pinili noon ni Haring David at ng mga opisyal niya upang tumulong sa mga Levita. Nakalista lahat ang mga pangalan nila.

21Doon sa tabi ng Ilog Ahava, sinabi ko sa grupo na mag-ayuno kami at magpakumbaba ng mga sarili namin sa harapan ng aming Diyos upang hilingin sa kanya na ingatan kami sa paglalakbay, pati ang aming mga anak at mga ari-arian.

22Sapagkat nahihiya akong humingi sa hari ng mga sundalo at mangangabayo na magbabantay sa amin laban sa mga kalaban habang naglalakbay kami, dahil sinabi na namin sa hari na tinutulungan ng aming Diyos ang lahat ng nagtitiwala sa kanya, pero galit na galit siya sa mga nagtatakwil sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.