Ezra 8

Sapagkat nahihiya akong humingi sa hari ng mga sundalo at mangangabayo na magbabantay sa amin laban sa mga kalaban habang naglalakbay kami, dahil sinabi na namin sa hari na tinutulungan ng aming Diyos ang lahat ng nagtitiwala sa kanya, pero galit na galit siya sa mga nagtatakwil sa kanya.

Ezra 8:22 (UKJV) For I was ashamed to require of the king a band of soldiers and horsemen to help us against the enemy in the way: because we had spoken unto the king, saying, The hand of our God is upon all them for good that seek him; but his power and his wrath is against all them that forsake him.

20Ipinadala pa nila ang 220 tagapaglingkod sa Templo. Ang mga tagapaglingkod sa Templo ay pinili noon ni Haring David at ng mga opisyal niya upang tumulong sa mga Levita. Nakalista lahat ang mga pangalan nila.

21Doon sa tabi ng Ilog Ahava, sinabi ko sa grupo na mag-ayuno kami at magpakumbaba ng mga sarili namin sa harapan ng aming Diyos upang hilingin sa kanya na ingatan kami sa paglalakbay, pati ang aming mga anak at mga ari-arian.

22Sapagkat nahihiya akong humingi sa hari ng mga sundalo at mangangabayo na magbabantay sa amin laban sa mga kalaban habang naglalakbay kami, dahil sinabi na namin sa hari na tinutulungan ng aming Diyos ang lahat ng nagtitiwala sa kanya, pero galit na galit siya sa mga nagtatakwil sa kanya.

23Kaya nag-ayuno at nanalangin kami sa aming Diyos na ingatan niya kami, at tinugon niya ang dalangin namin.

24Pumili ako ng labindalawang tao mula sa mga namumunong pari, na sina Serebias at Hashabias, at sampu sa kamag-anak nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.