Ezra 9

Sinabi rin sa amin ng mga propeta na huwag kaming magsisipag-asawa sa kanila, at huwag kaming tutulong na umunlad sila, upang maging matibay at maunlad kami, at upang manatili ang pag-unlad na ito sa mga lahi namin magpakailanman.

Ezra 9:12 (UKJV) Now therefore give not your daughters unto their sons, neither take their daughters unto your sons, nor seek their peace or their wealth for ever: that all of you may be strong, and eat the good of the land, and leave it for an inheritance to your children for ever.

10“Ngunit ngayong nagkasala kami, O aming Diyos, ano pa ang masasabi namin? Sapagkat binalewala namin ang mga utos nʼyo

11na ibinigay nʼyo sa amin sa pamamagitan ng mga propetang lingkod ninyo. Sinabi nila sa amin na ang lupaing pupuntahan namin upang angkinin ay maruming lupain dahil sa kasamaan ng mga naninirahan dito. Dinumihan nila ang lahat ng bahagi ng lupaing ito sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam nilang gawain.

12Sinabi rin sa amin ng mga propeta na huwag kaming magsisipag-asawa sa kanila, at huwag kaming tutulong na umunlad sila, upang maging matibay at maunlad kami, at upang manatili ang pag-unlad na ito sa mga lahi namin magpakailanman.

13“Pinarusahan nʼyo kami, O aming Diyos, dahil sa mga kasalanan namin. Ngunit ang parusa nʼyo sa amin ay kulang pa po sa nararapat naming tanggapin, at niloob nʼyo pa na may matirang buhay sa amin.

14Ngunit sa kabila nito, sinuway ulit namin ang mga utos nʼyo, at nagsipag-asawa kami ng mga taong gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain. Talagang magagalit kayo sa amin at lilipulin kami hanggang sa wala nang matira sa amin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.