1Mula kay Pablo, hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi sa pamamagitan ni Hesu-Kristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay sa kanya mula sa kamatayan,
2at mula sa lahat ng mga kapatid na kasama ko rito, Sa mga iglesya diyan sa Galacia:
3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Hesu-Kristo.
4Inialay ni Kristo ang sarili niya para sa mga kasalanan natin, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. Ginawa niya ito upang iligtas tayo sa kasamaan nitong kasalukuyang mundo.