18Pagkatapos ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem para bisitahin si Pedro. Dalawang linggo akong nakitira sa kanya.
19Wala na akong nakita pang ibang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
20Totoo ang lahat ng sinasabi ko sa sulat na ito, at alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling.
21Pagkatapos, pumunta na ako sa Siria at Cilicia.
22Nang panahong iyon, hindi pa ako personal na nakikita ng mga mananampalataya sa Judea na nakay Kristo.