25At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga.
26Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus,
27dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya.
28Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Hudyo sa Hentil, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus na.
29At dahil kayoʼy kay Kristo na, kabilang na kayo sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ng mga ipinangako ng Diyos sa kanya.