9Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magsama sa isang lugar ang tubig sa ilalim ng langit para lumitaw ang tuyong bahagi.” At iyon nga ang nangyari.
10Tinawag ng Diyos na “lupa” ang tuyong lugar, at “dagat” naman ang nagsamang tubig. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.
11Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magsitubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman: ang mga tanim na namumunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri.” At iyon nga ang nangyari.
12Tumubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman: ang mga tanim na namumunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.
13Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikatlong araw.