Genesis 1

Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magsama sa isang lugar ang tubig sa ilalim ng langit para lumitaw ang tuyong bahagi.” At iyon nga ang nangyari.

Genesis 1:9 (UKJV) And God said, Let the waters under the heaven be gathered together unto one place, and let the dry land appear: and it was so.

7At nagkaroon nga ng kalawakan na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba.

8Ang kalawakang itoʼy tinawag ng Diyos na “langit.” Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalawang araw.

9Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magsama sa isang lugar ang tubig sa ilalim ng langit para lumitaw ang tuyong bahagi.” At iyon nga ang nangyari.

10Tinawag ng Diyos na “lupa” ang tuyong lugar, at “dagat” naman ang nagsamang tubig. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya.

11Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magsitubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman: ang mga tanim na namumunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri.” At iyon nga ang nangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.