19Ang hangganan ng kanilang lupain ay mula sa Sidon papuntang Gerar hanggang sa Gaza, at umabot sa Sodoma, Gomora, Adma, Zeboim at hanggang sa Lasa.
20Ito ang mga lahi ni Ham. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa kanilang sariling lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
21Si Shem na nakatatandang kapatid ni Jafet ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki. Si Shem ang pinagmulan ng lahat ng mga lahi ni Heber.
22Ang mga lalaking anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.