21Si Shem na nakatatandang kapatid ni Jafet ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki. Si Shem ang pinagmulan ng lahat ng mga lahi ni Heber.
22Ang mga lalaking anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.
24Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Heber.
25May dalawang anak na lalaki si Heber. Ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang daigdig ay nahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joctan.