Genesis 11

Ngayon, bumaba ang Panginoon upang tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore.

Genesis 11:5 (UKJV) And the LORD came down to see the city and the tower, which the children of men built.

3Ngayon, sinabi ng mga tao sa isaʼt isa, “Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti hanggang tumigas ito.” Tisa ang ginamit nila sa halip na bato at aspalto naman ang ginamit bilang semento.

4Dagdag pa nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng aabot sa langit, upang tayoʼy maging tanyag at hindi magkawatak-watak sa buong daigdig.”

5Ngayon, bumaba ang Panginoon upang tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore.

6Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin.

7Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila upang hindi sila magkaintindihan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.