2Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Sinar, at doon sila nanirahan.
3Ngayon, sinabi ng mga tao sa isaʼt isa, “Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti hanggang tumigas ito.” Tisa ang ginamit nila sa halip na bato at aspalto naman ang ginamit bilang semento.
4Dagdag pa nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng aabot sa langit, upang tayoʼy maging tanyag at hindi magkawatak-watak sa buong daigdig.”
5Ngayon, bumaba ang Panginoon upang tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore.
6Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin.