Genesis 11

Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Sinar, at doon sila nanirahan.

Genesis 11:2 (UKJV) And it came to pass, as they journeyed from the east, that they found a plain in the land of Shinar; and they dwelt there.

1Noon, isang wika lang ang ginagamit ng lahat ng tao sa buong mundo.

2Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Sinar, at doon sila nanirahan.

3Ngayon, sinabi ng mga tao sa isaʼt isa, “Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti hanggang tumigas ito.” Tisa ang ginamit nila sa halip na bato at aspalto naman ang ginamit bilang semento.

4Dagdag pa nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng aabot sa langit, upang tayoʼy maging tanyag at hindi magkawatak-watak sa buong daigdig.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.