Genesis 11

Ngayon, sinabi ng mga tao sa isaʼt isa, “Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti hanggang tumigas ito.” Tisa ang ginamit nila sa halip na bato at aspalto naman ang ginamit bilang semento.

Genesis 11:3 (UKJV) And they said one to another, Go to, let us make brick, and burn them thoroughly. And they had brick for stone, and bitumen had they for mortar.

1Noon, isang wika lang ang ginagamit ng lahat ng tao sa buong mundo.

2Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Sinar, at doon sila nanirahan.

3Ngayon, sinabi ng mga tao sa isaʼt isa, “Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti hanggang tumigas ito.” Tisa ang ginamit nila sa halip na bato at aspalto naman ang ginamit bilang semento.

4Dagdag pa nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng aabot sa langit, upang tayoʼy maging tanyag at hindi magkawatak-watak sa buong daigdig.”

5Ngayon, bumaba ang Panginoon upang tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.