Genesis 12

Kasama niya ang asawa niyang si Sarai, ang pamangkin niyang si Lot, at ang lahat ng mga ari-ariang naipon nila pati ang mga aliping nakuha nila sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan at dumating sila roon.

Genesis 12:5 (UKJV) And Abram took Sarai his wife, and Lot his brother's son, and all their substance that they had gathered, and the souls that they had got in Haran; and they went forth to go into the land of Canaan; and into the land of Canaan they came.

3Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo. Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo. Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”

4Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya, at sumáma si Lot sa kanya. Si Abram ay pitumpuʼt limang taóng gulang na noong umalis siya roon.

5Kasama niya ang asawa niyang si Sarai, ang pamangkin niyang si Lot, at ang lahat ng mga ari-ariang naipon nila pati ang mga aliping nakuha nila sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan at dumating sila roon.

6Nagpatuloy sila hanggang sa nakarating sa malaking puno ng Moreh doon sa Shekem. Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Cananeo.

7Pagkatapos, nagpakita ang Panginoon kay Abram at sinabi sa kanya, “Ang lupaing ito ay ibibigay ko sa mga lahi mo.” Kaya gumawa ng altar si Abram para sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.