Genesis 12

Nagpatuloy sila hanggang sa nakarating sa malaking puno ng Moreh doon sa Shekem. Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Cananeo.

Genesis 12:6 (UKJV) And Abram passed through the land unto the place of Sichem, unto the plain of Moreh. And the Canaanite was then in the land.

4Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya, at sumáma si Lot sa kanya. Si Abram ay pitumpuʼt limang taóng gulang na noong umalis siya roon.

5Kasama niya ang asawa niyang si Sarai, ang pamangkin niyang si Lot, at ang lahat ng mga ari-ariang naipon nila pati ang mga aliping nakuha nila sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan at dumating sila roon.

6Nagpatuloy sila hanggang sa nakarating sa malaking puno ng Moreh doon sa Shekem. Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Cananeo.

7Pagkatapos, nagpakita ang Panginoon kay Abram at sinabi sa kanya, “Ang lupaing ito ay ibibigay ko sa mga lahi mo.” Kaya gumawa ng altar si Abram para sa Panginoon.

8Mula roon, lumipat sila sa bundok na nasa silangan ng Betel, at doon sila nagtayo ng tolda, sa pagitan ng Betel at Ai. Ang Betel ay nasa kanluran at ang Ai naman ay nasa silangan. Gumawa rin doon si Abram ng altar para sa Panginoon kung saan niya sinamba ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.