18Sumalubong din kay Abram si Haring Melquisedec ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos na may dalang pagkain at inumin.
19Binasbasan niya si Abram at sinabing: “Nawaʼy pagpalain ka Abram ng Kataas-taasang Diyos na lumikha ng langit at lupa.
20Purihin ang Kataas-taasang Diyos na nagbigay ng tagumpay sa iyo laban sa mga kaaway mo!” Pagkatapos, binigyan ni Abram si Melquisedec ng ikasampung bahagi ng lahat ng nasamsam niya sa labanan.
21Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Kahit sa iyo na lang ang lahat ng mga samsam na nabawi mo, isauli mo lang sa akin ang lahat ng aking mga tauhan.”
22Ngunit sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Isinusumpa ko sa harapan ng Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa,