Genesis 14

Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Kahit sa iyo na lang ang lahat ng mga samsam na nabawi mo, isauli mo lang sa akin ang lahat ng aking mga tauhan.”

Genesis 14:21 (UKJV) And the king of Sodom said unto Abram, Give me the persons, and take the goods to yourself.

19Binasbasan niya si Abram at sinabing: “Nawaʼy pagpalain ka Abram ng Kataas-taasang Diyos na lumikha ng langit at lupa.

20Purihin ang Kataas-taasang Diyos na nagbigay ng tagumpay sa iyo laban sa mga kaaway mo!” Pagkatapos, binigyan ni Abram si Melquisedec ng ikasampung bahagi ng lahat ng nasamsam niya sa labanan.

21Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Kahit sa iyo na lang ang lahat ng mga samsam na nabawi mo, isauli mo lang sa akin ang lahat ng aking mga tauhan.”

22Ngunit sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Isinusumpa ko sa harapan ng Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa,

23na hindi ako kukuha ng kahit anumang ari-ariang galing sa iyo, kahit sinulid o kayaʼy tali ng sandalyas, upang hindi mo sabihing, ‘Ako ang nagpayaman kay Abram.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.