21Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Kahit sa iyo na lang ang lahat ng mga samsam na nabawi mo, isauli mo lang sa akin ang lahat ng aking mga tauhan.”
22Ngunit sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Isinusumpa ko sa harapan ng Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa,
23na hindi ako kukuha ng kahit anumang ari-ariang galing sa iyo, kahit sinulid o kayaʼy tali ng sandalyas, upang hindi mo sabihing, ‘Ako ang nagpayaman kay Abram.’
24Hindi ako tatanggap ng kahit anuman para sa sarili ko. Ang ituturing ko lang na natanggap ko ay ang mga kinain ng aking mga tauhan, at pabayaan mo lang sina Aner, Escol at Mamre na sumáma sa akin na makuha ang bahagi nila.”